Monday, January 16, 2012

Nice Gay Vs. Slut Gay

Nice Gay Vs. Slut Gay

 Maraming galit sa mga homosexuals like Gays, Bisexual whatever pero hindi nila alam or di nila iniisip ang pagkakaiba nang mga tao, maraming straight men jan ang nasa kulungan maraming tunay na babae jan ang mas masahol pa sa mga gays, bakit hindi nila isipin na may mga bakla na nanahimik sa isang tabi at nadadamay? Bakit hindi nila isipin na may masama rin at mabuti sa kanila? Pag bakla salot na kagad? Hindi ba malas muna? (hahaha) hindi ba dapat respetuhin muna? Kasi di mo naman alam kung anong klase ang pagkatao niya! Hindi ba!

                Kung ang babae nga may tinatawag na pokpok(slut) at ang lalaki naman call boy, bakit ang bakla walang ganung term? Pag sinabing bakla malandi na kaagad ang nasa isip at hanap lang ay aliw ng lalaki, sex, pagnanasa. Hindi nila alam pagmamahal din ang hanap nang isang bakla at respeto. Kung may sumisira man sa pagkatao ng mga homosexual malamang  pokpok o call boy na bakla iyon.

                Ang gusto ko lang iparating sa mga mambabasa eh, kung manglalait keo ng mga bakla o ano pa man please paki specify kung sino lalaitin mo. Malinaw? Gusto nio ng example?

 Hal:
1.       Hui POKPOK NA BAKLA  kung maaari wag ka pakalatkalat.
2.       Call boy na bakla dahan dahan sa pag pick-up baka malason ka nang kapwa mo bakla ahaha.

Oh diba mas malinaw mas ma-lelessen ang discrimination kasi yun ang totoo, sila ang dapat latiin at kutyain ang mga pokpok na bakla na walang ginawa kundi tulungang  ang mga walang ring utak na mga tao na sirain ang mga pagkatao ng ibang bakla!